Boxing, posibleng isasali na sa 2028 Los Angeles Olympics

Boxing, posibleng isasali na sa 2028 Los Angeles Olympics

POSIBLENG isasali na sa 2028 Los Angeles Olympics ang Boxing.

Ito’y matapos pansamantalang kinilala ng International Olympic Committee ang World Boxing bilang organisasyong mamamahala sa naturang sport sa darating na mga palaro.

Sa paliwanag ng IOC, nakitaan nila ang World Boxing na mahusay ito mamahala sa sport at sumusunod sa standards.

Matatandaang pinutol na muna ng IOC ang ugnayan nito sa International Boxing Association ang matagal nang namumunong organisasyon ng amateur boxing.

Ito’y dahil sa mga isyu sa pananalapi, pamamahala, at iba.

Sa katunayan, ang IOC ang nag-takeover muna sa pamamahala sa boxing noong nakaraang 2024 Paris Olympics.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble