Brazil, pinagmumulta ang Facebook ng RS11.2-M dahil sa naganap na blackout

PINAGMUMULTA ng pamahalaan ng Brazil ang Facebook ng RS11.2 million dahil sa naganap na blackout noong nakaraang Oktubre.

Dahil sa naganap na black out o ang hindi ma-acess na Facebook account sa loob ng anim na oras noong Oktubre ay pinagmumulta ngayon ng Protection and Consumer Protection Foundation ng São Paulo o Procon-SP ang nasabing social media.

Ayon sa ahensya ay hindi umano maganda ang serbisyo ng kumpanyang nagmamay-ari rin ng Instagram at Whatsapp sa pagkakaroon ng glitch sa apps nito.

Ayon sa Procon-SP ay naapektuhan ang milyon-milyong consumers hindi lamang sa Brazil kundi sa buong mundo.

Ayon kay Fernando Capez, Executive Director Ong Procon-SP kahit libre ang nasabing app ay kumikita naman umano ang kumpanya sa mga users kaya may consumer relationship na nasira ang nasabing insidente.

Dagdag pa ng ahensya na posibleng mailagay sa kompromiso ang seguridad ng account holder, pagbabago ng username ng may ari ng account, pagterminate o ang pagbago ng service.

Samantala, paliwanag ng Facebook na ito ay dahil sa bagong teknolohiyang meta para mapabuti pa ang servisyo ng kumpanya sa mga tao at maghahain umano ito ng depensa ukol sa nasabing kaso.

SMNI NEWS