Brgy. personnel at OFWs sa Pasay, nakiisa sa “Parokya ng OWWA”

Brgy. personnel at OFWs sa Pasay, nakiisa sa “Parokya ng OWWA”

NAGSAGAWA ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) National Capital Region ng “Parokya ng OWWA sa Barangay at Pamilyang OFWs” sa Maricaban, Pasay City, nitong Huwebes, Pebrero 16.

Karamihan sa mga dumalo ay mga barangay opisyal, kagawad at mga grupo ng OFWs.

Ipinababatid ni OWWA administrator Arnell Ignacio ang kahalagahan ng pagsasagawa ng “Parokya ng OWWA sa Barangay at Pamilyang OFWs.”

Sa pamamagitan ng proyektong ito, ang OWWA ay nakikipag-ugnayan sa mga barangay at binibigyan ng briefing para mabigyan ng tamang impormasyon, tamang emosyon at tamang aksyon ang mga OFW na saklaw sa kani-kanilang barangay.

Naniniwala ang OWWA na ang mga barangay personnel ay may matibay na koneksyon sa kanilang mga pinangangalagaan na constituents na direktang makikipag-usap sa mga OFW kung may mga katanungan o pangangailangan ang mga ito.

Follow SMNI NEWS in Twitter