PUSPUSAN ang paghahanda ng British Pinoy gymnast na si Jake Jarman para sa 2024 Paris Olympics.
Kasunod ito ng kaniyang pagkakasungkit ng silver medal sa men’s all-around final sa European Championships sa Turkiye noong Abril.
Maliban sa Paris Olympics ay nakatakda ring sumabak si Jarman sa World Artistic Gymnastics Championships sa Belgium bilang bahagi ng Team GB, ang brand name na ginagamit ng British Olympic Association para sa kanilang British Olympic Team.
Si Jake Jarman ay tinaguriang rising British Gymnast Prodigy matapos ang impressive performance nito sa Birmingham Commonwealth Games noong 2022 kung saan nakasungkit siya ng apat na gintong medalya.
Samantala, ang ina ni Jarman ay nagmula sa Cebu.