NAGSAGAWA ng send-off ceremony ang Philippine Navy para sa Naval Task Group 80.5 sakay ng BRP Antonio Luna (FF151).
Pinangunahan ni Fleet-Marine Ready Force Commander Marine Brigadier General Edwin Amadar ang send-off para sa 140-kataong contingent sa Naval Operating Base Subic.
Lalahok ang FF151 sa kauna-unahang ASEAN-India Maritime Exercise (AIME) 2023 na mangyayari sa Mayo 2 hanggang 8.
Tampok sa pagsasanay ang iba’t ibang harbor at sea activities.
Layunin ng AIME 2023 na mapahusay ang interoperability at magpalitan ng kaalaman sa pagtugon sa iba’t ibang hamon.