MULING magbabalik sa Pinas para sa kaniyang solo concert ang ang Filipino-American na si Bruno Mars.
Ito na ang ika-apat na pagkakataon nang bumisita ito sa bansa at ikatlong pagkakataon nang magpe-perform ito sa kaniyang mga Filipino fans.
Ayon sa 15-time Grammy Award winner, gagawin ang kaniyang concert sa June 24 at dahil sa public demand, nagdesisyon ang concert organizer ni Bruno Mars na i-extend ang concert nito hanggang June 25, 2023.