PINAKOKOMENTO ng kataas-taasang hukuman ng Korte Suprema ang Bangko Sentral ng Pilipinas, Land Bank of the Philippines, at Development Bank of the Philippines para magkomento sa petisyong kumukuwestiyon sa legalidad ng Republic Act No. 11954 o Maharlika Investment Fund Act of 2023.
Matatandaang hiniling ni Senator Koko Pimentel at iba pang petitioner na magpalabas ang korte ng Temporary Restraining Order at Writ of Preliminary Injunction para pigilan ang implementasyon ng naturang batas.
Ayon sa kataas-taasang hukuman, mayroon lamang sampung araw para sumagot ang mga respondents.
Samantala, itinakda naman ang oral arguments sa kasong ito sa April 22, 2025 na isasagawa sa En Banc Session Hall, sa SC Baguio Compound sa Baguio City.
Magkakaroon din ng preliminary conference kaugnay dito sa February 26, 2025.