BuCor, naagapan ang pagkalat ng COVID-19 sa loob ng Bilibid

BuCor, naagapan ang pagkalat ng COVID-19 sa loob ng Bilibid

NAAGAPAN ng Bureau of Correction (BuCor) ang pagkalat ng COVID-19 sa loob ng Bilibid sa gitna ng pagpalo ng mga kaso lalong-lalo na sa banta ng Delta variant.

Ayon kay Doc. Pabro, Director ng NBP hospital, maganda ang kinalabasan ng ginagawang hakbang ng BuCor para makaiwas sa hawahan ng COVID-19.

Ngayon ang huling araw ng pagsasailalim sa buong Metro Manila sa pinakamahigpit na quarantine classifications dahil sa pagsipa ng mga kaso ng Delta variant ng COVID-19.

‘’Sa ngayon sa oras na ito ay iisa lang ang positive namin na PDL, PCR positive. Iisa lang po yun. Sa personnel naman po ay 40’s 41 or 42 ang confirmed case,’’ayon kay CSupt. Henry Fabro.

Sa eksklusibong panayam din ng SMNI News ay ibinahagi ni Dr. Pabralo ang isinasagawang rapid testing sa loob ng New Bilibid.

‘’Sa ngayon tulad ng ipinakita ko kanina, nagsasagawa tayo ng rapid testing. Itong rapid testing na ito ay makakatulong sa atin para ma-identify kung sino ang posibleng may inspeksyon ng COVID o kung sino ang wala,’’ayon kay Dr. Pabralo.

‘’Malaki syang tulong kasi makaka-classify natin kung sino ang kailangan i-PCR (test), malalaman natin para ma-identify kung sino ang nangangailangan agad ng test,’’dagdag nito.

Idenitalye din ni Dr. Fabro ang mga paraan na isinasagawa nito upang maibsan at maiwasan ang pagkalat ng infection ng COVID sa Bilibid.

‘’Sa ngayon umpisahan natin sa labas ng ating facility, naghihigpit po kami sa pagpasok ng mga tao dito sa aming facility. Hindi po lahat pinapayagan naming makapasok para ma-minimize ang infection kung meron man sa community,” ayon kay Dr. Fabro.

Sa huli, nanawagan naman si Dr. Fabro sa taumbayan at maging sa mga kaanak ng mga nakapiit sa Bilibid na unawain muna sa ngayon ang mga health protocols na ipinapatupad ng BuCor.

‘’Ako po’y nakikiusap, nagsusumamo na kahit papaano ay sumunod sa mga measures na ginagawa namin. Makikita naman po na very effective ang mga ginagawa namin. Again, nakikiusap ako sa inyo sa ngayon nakokontrol sa loob ng piitan. Sana tuloy-tuloy na ito,’’ayon kay Fabro.

Sa ngayon ay patuloy ang paghihigpit ng BuCor sa loob ng New Bilibid Prison para maiwasan ang posibleng paglobo ng kaso ng COVID-19.

SMNI NEWS