IBINABA na sa Alert Level 2 mula sa Alert Level 3 ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang status ng Bulkang Mayon.
Kasunod ito sa nakikita nilang pagbaba ng mga senyales ng “volcanic unrest” sa nakalipas na buwan.
Binigyang-diin ng PHIVOLCS na bagama’t ibinaba ang alert level status ng Bulkang Mayon ay nangangahulugan nang huminto na ang “volcanic unrest” nito.
Ipinapaalala rin ng PHIVOLCS na nananatiling hindi pa maaaring pumasok sa loob ng six-kilometer-radius permanent danger zone.