NAKAPAGTALA ng mas maraming volcanic earthquake ang Bulkang Taal ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).
Mula sa naitalang anim na volcanic earthquakes noong Huwebes ay tumaas pa ito sa 16 ngayong Biyernes.
Ayon sa PHIVOLCS, mula sa naturang bilang ng volcanic earthquakes ay 13 na pagyanig at tumagal ng isa hanggang limang minuto.
Naitala naman ang kabuuang 5,887 toneladang sulfur dioxide emission ang Bulkang Taal mula noong Miyerkules.
Nanatili namang nasa Alert Level 1 ang Taal kung saan ipinagbabawal pa rin ang pagpasok sa Taal Volcano Island at sa Taal Lake.