INAASAHAN ng Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) na mas maraming pasahero ang pabalik ng Metro Manila mula sa kani-kanilang mga probinsiya ngayong araw ng Lunes.
Iyan ay matapos ang mahabang bakasyon kasabay ng paggunita sa Semana Santa.
Ayon kay PITX Spokesperson Jason Salvador na inaasahang aabot sa 130,000 hanggang 135,000 ang foot traffic ngayong araw.
Nagsimula na ring nagdagsaan ang mga tao kagabi sa nasabing terminal.
Hindi bababa sa 100,000 pasahero ang naitala sa PITX nitong Easter Sunday.
PITX, nakapagtala ng higit 1.2-M pasahero matapos ang Semana Santa
Sa kabuuan, pumalo na sa halos 1.3 milyon ang bilang ng pasahero sa PITX mula Marso 22-31 nitong Easter Sunday.
Batay sa tala ng PITX, umabot sa kabuuang 1,288,730 pasahero ang dumating sa PITX sa loob ng 10 araw matapos ang Semana Santa.
Naitala ang pinakamataas na foot fraffic nitong Miyerkules na naitala sa 191,179 na pasahero.
Sabi ng PITX, posibe pa ring maabot ang 1.7 milyong pasahero ngayong araw.
Samantala, nagsisimula nang bumigat ang trapiko patungo sa Metro Manila sa ilang pangunahing kalsada dahil sa tumaas na bilang ng mga sasakyang galing sa iba’t ibang probinsiya.