IBINAHAGI ng Italian watch and jewelry maker na Bvlgari, na may naganap itong isang design collaboration sa pagitan ng sikat na Blackpink member na si Lisa.
Sa anunsyo, isa itong limited edition na relo at nai-release na noong January 14, 2023.
Ang Bvlgari X Lisa watch ay gawa sa steel at rose gold, at ilan pa sa attractive features nito ay ang multi-coloured dial na may blue, green at kaunting purple para sa target na rainbow effect.
12 diamonds din ang nagsisilbing marka ng oras.
Ang crown ng relo ay nilagyan ng cabochon-cut rubellite, isa sa aesthetic signatures ng Bvlgari.
Sa caseback, personal na pinili ni Lisa ang paborito nitong bulaklak na Edelweiss kung saan may naka-engrave rin na “L” initial sa gitna ng petals.
Ang relo ay may 2 sizes na available at ito ang 33 mm na may 700 pieces habang ang 23 mm na may 300 pieces lang.
Well, sa mga interesado, bad news dahil “sold out” na ang limited edition na relo!
Si Lisa ay global ambassador ng Bvlgari simula taong 2020.