NAKAHANDA na ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) para sa pagdagsa ng mga biyahero ngayong Pasko at Bagong Taon.
Mula Disyembre 20, 2024 hanggang Enero 3, 2025 ay mahigpit na ipatutupad ng CAAP sa mga paliparan ang ‘Oplan Biyaheng Ayos: Pasko 2024’ ng Department of Transportation (DOTr).
Target nila sa ilalim ng Oplan Biyaheng Ayos ang mas ‘efficient’ travel experience ng mga biyahero ngayong holiday.
Makikipag-collab na rin sila sa iba’t ibang partners para mas mabuting maipatupad ang mataas na standard sa seguridad at kaligtasan ng lahat.