NAGLABAS ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ng Notice to Airmen (NOTAM) sa mga eroplano na lumilipad malapit sa Bulkang Kanlaon.
Sa inilabas na NOTAM, pinapayuhan ang mga operator ng flight na iwasan ang paglipad malapit sa bulkan dahil sa posibilidad ng biglaang pagsabog o phreatic eruptions at mga palatandaan ng aktibidad ng magmatic activity nito.
Sakop ng babala ang vertical limits mula sa ibabaw hanggang 10,000 feet.
Pinapayuhan ng CAAP ang publiko na maging alerto at sundin ang mga babala na inilabas ng mga awtoridad.
Epektibo ang babala hanggang alas-nuwebe ng umaga ng bukas, Disyembre a-dyes.