CAAP: Paglipad malapit sa Mt. Kanlaon pansamantalang ipinagbabawal dahil sa pagsabog ng bulkan

CAAP: Paglipad malapit sa Mt. Kanlaon pansamantalang ipinagbabawal dahil sa pagsabog ng bulkan

DAHIL sa banta ng abo mula sa Bulkang Kanlaon, naglabas ang CAAP ng Notice to Airmen (NOTAM) na nagbabawal sa mga flight malapit sa bulkan simula nitong Martes.

Ayon kay Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) Spokesperson Eric Apolonio, ang NOTAM ay sakop ang airspace mula sa tuktok ng bulkan hanggang 22,000 talampakan.

Epektibo ito mula alas-8:20 ng umaga noong Abril 8, 2025, hanggang alas-5:51 ng umaga ng Abril 9, 2025.

“Binabawalan ang mga aircraft…pero at least it’s safe pa rin,” saad ni Eric Apolonio, CAAP Spokesperson.

Ang Bacolod-Silay Airport (BCD), ang pinakamalapit na paliparan sa Mt. Kanlaon, ay may tinatayang 12 flight kada araw na dumarating at 22 na umaalis, karamihan ay patungo at galing sa mga pangunahing lungsod gaya ng Maynila, Cebu, at Davao. Sa ngayon, walang naitalang apektadong flight sa paliparan dahil sa pagsabog ng Mt. Kanlaon.

“So far walang apektadong flight…depende sa sitwasyon ng bulkan,” ani Apolonio.

Tiniyak ni Apolonio na malayo ang mga paliparan sa Bulkang Kanlaon, ngunit depende pa rin ito sa direksiyon ng hangin.

Mayroon namang Standard Operating Procedure (SOP) ang mga paliparan para sa ganitong mga kalamidad.

Patuloy na minomonitor ng CAAP ang sitwasyon at maglalabas ng karagdagang abiso at extension ng NOTAM kung kinakailangan.

Pinapayuhan ang mga pasahero na makipag-ugnayan sa kanilang airlines para sa mga update sa kanilang mga flight.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter