SUPORTADO ng Civil Aviation Authority of the Phillipine (CAAP) ang mga adhikain ng Department of Transportation (DOTr) para sa aviation sector kasunod ng direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Pursigido ang CAAP na palakasin pa ang mga operasyon ng mga paliparan sa bansa na may kakayahan na mag-operate kahit sa gabi.
Kasunod ito sa unang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Marcos Jr. na naglabas ng mga direktiba para sa sektor ng transportasyon.
Nangako ang CAAP na aktibong tutuparin ang pangako ng DOTr sa mga layunin ng Pangulong Marcos para sa sektor ng aviation sa pamamagitan ng pagsisikap na magpapataas ng kapasidad ng mga pasilidad at pagpapabuti ng kaligtasan at seguridad ng mga paliparan alinsunod din sa International Civil Aviation Organization (ICAO) standards.
Naglabas ang CAAP ng ulat na nagpapakitang natapos na ng ahensiya ang night rating sa 23 major at commercial airports, kung saan 11 airport ang matagumpay na nagkaroon ng night-rated sa nakalipas na anim na taon sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Kabilang na dito ang:
- Francisco Bangoy (Davao) International Airport
- Kalibo International Airport
- Laoag International Airport
- Zamboanga International Airport
- Tambler (Gen. Santos) International Airport
- Puerto Princesa International Airport
- Bacolod-Silay Airport
- Laguindingan Airport
- Iloilo Airport
- Daniel Romualdez (Tacloban) Airport
- Butuan Airport
- Legazpi Airport
- Roxas Airport
- Dumaguete Airport (Limited hours of operation upon request)
- Tuguegarao Airport (Special Operations on Take-off)
- Panglao-Bohol Airport
- Cotabato Airport (Departure Only)
- Cauayan Airport
- Dipolog Airport
- Naga Airport
- Pagadian Airport
- San Jose Airport
- Ozamis Airport
- Sanga-Sanga Airport
- Calbayog Airport
Sa kabila nito nilalayon ng CAAP na ipagpatuloy ang mga pagsisikap nito na bigyang-daan ang mas maraming paliparan na may kakayahang mag take-off at landing sa gabi upang payagan ang mas maraming flight at mas mahabang oras ng pagpapatakbo ng mga paliparan sa rehiyon.
Ngayong 2022 at pasulong, pito pang paliparan ang bibigyan ng mga kinakailangang pasilidad para mag-operate ng mga flight sa gabi.