CALABARZON, nanguna sa industriya ng ekonomiya noong 2023

CALABARZON, nanguna sa industriya ng ekonomiya noong 2023

PATULOY na nanguna ang tatlong lalawigan sa CALABARZON sa pag-ambag sa Gross Value Added (GVA) ng industriya sa Pilipinas noong 2023.

Ang GVA ay ang halaga ng lahat ng produkto at serbisyong nalilikha sa isang sektor ng ekonomiya, tulad ng industriya.

Ang kabuuang GVA ng industriya sa bansa ay tinatayang nasa PhP 6.13 trilyon.

Sa lahat ng lalawigan at highly urbanized cities, ang Laguna ang may pinakamalaking ambag na 10.1 percent.

Sinundan ito ng Cavite na may 6.1 percent at Batangas na may 5.8 percent.

Kabilang din sa nangungunang sampu ang Bulacan, Pampanga, Maynila, Quezon City, Bataan, Leyte, at Davao City.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble