MATAPOS makakakuha ng mayoryang boto mula sa mga residente sa naganap na plebisito, ganap nang isang syudad ang Calaca, Batangas.
Ayon sa COMELEC mataas ang naging voter turnout ng naganap na plebisito sa kabila ng naranasang bagyo noong Sabado.
Ang plebisito ay alinsunod sa Republic Act No. 11544 kung saan sa ilalim ng batas, ang munisipalidad ng Calaca ay ico-convert para maging component city ng probinsiya ng Batangas.
Ang RA 11544 ay pirmado ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte at na-promulgate naman ng COMELEC sa pamamagitan ng Resolution No. 10799 noong Hulyo 2022.
Ayon kay COMELEC spokesperson Atty. John Rex Laudiangco, mayorya o 29,424 sa mga residente ang bomoto pabor sa konbersyon ng munisipalidad ng Calaca para maging syudad.
Sa kabuuan ay 33, 205 ang nakilahok sa plebisito, 3,781 lamang ang hindi sumang-ayon.
“There being 29,424 “YESes” against 3,781 “NOs”, the citizens of Calaca, Batangas voted on September 3, 2022, to Ratify the Conversion of their municipality into a component city of the Province of Batangas by virtue of R.A. No. 11544,” pahayag ni Laudiangco.
Ang ratipikasyon ng batas base sa resulta ng plebisito ay nagbigay-daan para maging panglimang lungsod ang Calaca sa Batangas matapos ang Lipa, Tanauan, Sto. Tomas at Batangas City.
Ayon kay Laudiangco, hindi ininda ng mga taga Calaca ang bagyo noong Sabado sa pagpunta sa 37 clustered precincts para makilahok sa plebisito.
Sa naturang plebisito ay nakapagtala ang COMELEC ng 56.39 percent turnout matapos 33, 205 mula sa 58, 881 total registered voters ang nakilahok sa botohan.
“With a very high plebiscite turn-out of 56.39%, or 33,205 out of the 58,881 total registered voters participating in this Saturday’s Electoral Exercise, Calaqueños from 40 Barangays trooped to their 123 Clustered Precincts in 37 Voting Centers despite the stormy weather brought by Super Typhoon Henry (Hinnamnor),” ayon kay Laudiangco.