MAGBUBUKAS na bukas ang inaabangang Cambodia Culture Week sa Vietnam.
Puspusan ngayon sa paghahanda ng mga kalahok para sa naturang event.
Ang nasabing kaganapan ay inorganisa ng Vietnam Ministry of Culture, Sports and Tourism at ng Ministry of Culture and Arts ng Cambodia.
Kasabay rin sa pagdiriwang ang ika-55 taong anibersaryo ng diplomatikong ugnayan ng dalawang bansa ngayong taon.
Ayon sa Ho Chi Minh City People’s Committee, sa Setyembre 28 magbubukas ang nasabing kaganapan sa municipal theater na may art performance ng Cambodian National Art Troupe.
Samantala, magco-courtesy visit din sa nasabing pagtitipon ang mga lider ng Ho Chi Minh City at probinsya ng Tra Vinh.