Cambodia, palalalimin pa ang bilateral cooperation sa Estados Unidos

Cambodia, palalalimin pa ang bilateral cooperation sa Estados Unidos

MALALIM na bilateral cooperation ang inaasahan ng Cambodia sa pakikipag-ugnayan nito sa Estados Unidos.

Kaninang umaga ay tinanggap ni Prime Minister of the Kingdom of Cambodia Hun Sen ang pagdating ng delegasyon ng Estados Unidos sa pangunguna ni Elizabeth Van Duyne, representative ng Texas.

Matapos ang pagkikita ng mga ito ay nagsagawa ito ng pagpupulong at doon inilahad ng dalawang bansa ang kani-kaniyang adhikain sa gagawing bilateral cooperation.

Nangako naman ang kalihim na mula sa Estados Unidos na tutulungan nila ang Cambodia na mapanatili ang katahimikan at kaayusan.

Samantala, plano ng Cambodia na mapalalim pa ang ugnayan sa Estados Unidos ukol sa edukasyon at trade investments.

Follow SMNI NEWS in Twitter