Cambodian PM Hun Sen, inendorso ang panganay na anak bilang successor sa pwesto

INENDORSO ni Cambodian Prime Minister Hun Sen ang panganay nitong anak bilang successor sa pwesto.

Tahasang nagpahayag ng kanyang suporta ang matagal nang nagsisilbing Punong Ministro ng Cambodia na si Hun Sen noong Huwebes upang ang kanyang panganay na anak na lalaki na si Hun Manet na isang Army commander ay maging successor sa kanya bilang pinuno ng bansa.

Ang 44 na taong-gulang na si Hun Manet ay nagtapos sa west point at may ranggong Lieutenant General at may hawak ng ilang mahahalagang posisyon sa militar.

Bukod sa pagiging hepe ng hukbo, siya ay Deputy Commander-in-chief ng Royal Cambodian Armed Forces, Deputy Commander ng Elite Bodyguard unit ng kanyang ama at Hepe ng Counterterrorism force ng bansa.

Matatandaan na si Hun Sen ay nakaupo sa pwesto sa loob na ng 36 na taon at madalas na binanggit si Hun Manet bilang kanyang potensyal na kahalili pagkatapos ng taong 2028, kapag bumaba na siya sa puwesto.

Samantala, sa kabila nito, magiging Punong Ministro lamang si Hun Manet sa pamamagitan ng eleksyon dahil ang Cambodia ay nagpapatupad ng democratic pluralism.

SMNI NEWS