Camille Villar, nanguna sa campaign spending: P179.6M ginastos, karamihan sa media ads

Camille Villar, nanguna sa campaign spending: P179.6M ginastos, karamihan sa media ads

NANGUNA si Senadora Camille Villar sa listahan ng mga kandidatong may pinakamalaking campaign expenditure sa 2025 midterm elections, batay sa isinumiteng Statement of Contributions and Expenditures (SOCE) sa Commission on Elections (COMELEC).

Ayon sa opisyal na ulat, umabot sa P179.6 milyon ang kabuuang halaga ng kanyang campaign spending. Mula rito, P175.8 milyon ang ginugol sa media advertisements kabilang ang mga anunsyo sa pahayagan, radyo, telebisyon, at online platforms.

Batay sa tala ng Comelec, may 14 kandidato sa pagkasenador ang gumastos ng higit P100 milyon sa kanilang kampanya para sa midterm elections.

Samantala, nasa P2.6 milyon naman ang inilaan sa pag-iimprenta at distribusyon ng campaign paraphernalia.

Batay sa tala ng COMELEC, 14 na kandidato sa pagka-senador ang umabot sa higit P100 milyon ang ginastos para sa kampanya.

Kasunod ni Villar sa pinakamataas na gastos ay sina Senador Lito Lapid na may P163.5 milyon, at Senadora Pia Cayetano na may P162 milyon. Sunod naman si dating DILG Secretary Benhur Abalos na may P160.5 milyon.

Ilang kandidato sa Senado, lumampas sa P100M ang gastos sa Eleksyon 2025

* Abby Binay – P157.9M

* Francis Tolentino – P149.8M

* Imee Marcos – P139.3M

* Bato dela Rosa – P128.7M

* Bong Revilla – P128.1M

* Bong Go – P127.3M

* Kiko Pangilinan – P119.4M

* Rodante Marcoleta – P112.8M

* Erwin Tulfo – P110.3M

* Willie Revillame – P104.7M

Sa kabilang banda, iniulat na walang natanggap na kontribusyon o ginastos sa kampanya si Jose Montemayor Jr.Gayundin, walang campaign contributions na tinanggap sina retired Marine Colonel Ariel Querubin at dating kongresista Eric Martinez.

Ang deadline ng pagsusumite ng SOCE ay itinakda noong Hunyo 11, 2025, alinsunod sa patakaran ng COMELEC.

Bilang bahagi ng transparency at digitalization, inilunsad ng COMELEC ang e-SOCE Web Application sa ilalim ng Project SURI (Siyasatin, Unawain, Resolbahin, at Ipanagot). Inaasahang unang gagamitin ang systemang ito sa Bangsamoro Parliamentary Elections sa darating na Oktubre 13, 2025.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble