BINUKSAN ng pamilya Villar ang kanilang compound bilang maagang pamasko sa mga batang maituturing na hirap sa buhay.
Sa dalawang magkakasunod na araw mula December 20 hanggang 21 ay isang Christmas Party ang isinagawa sa Villar Children’s Farm, ito ay handog ng pamilya para sa halos dalawandaang mga bata mula Bacoor, Cavite at Baseco, Maynila.
Ang mga bata ay inaliw sa Magic Show, nag-enjoy sa pagkain, at tumanggap ng mga regalo mula kay Senador Cynthia at Mark Villar.
Ang mga bata mula sa Baseco Compound Tondo, Maynila, ay dinala sa Villar Children’s Farm sa Bacoor City para sa selebrasyon.
Laging binibisita noon ni Sen. Cynthia ang Baseco compound ng Tondo bago mag-pandemya, kung kayat malapit sa kanyang puso ang mga tao doon.
Umaasa ang senadora na ang selebrasyon ay maghahatid ng kasiyahan ngayong Kapaskuhan sa mga bata at kanilang pamilya.
“We hope through this celebration, we are able to spread joy to the kids and their families this holiday season,” ayon kay Sen. Cynthia Villar.