MAGSISIMULA na ang kampanya ng mga kandidato para sa 2025 midterm elections ngayong araw, Pebrero 11.
Sa katunayan, ayon kay Commission on Elections (COMELEC) Chairman George Erwin Garcia, opisyal nang maaaring mangampanya simula kaninang alas-12 ng madaling araw.
Ang 90-araw na campaign period ay tatagal hanggang Mayo 10. Kasabay nito, magsisimula rin ang “Operation Baklas” ng COMELEC laban sa campaign materials na wala sa tamang lugar.
Mahigpit ding babantayan ang campaign ads sa radyo at telebisyon—120 minuto lamang ang pinapayagan kada TV station, habang 180 minuto naman sa bawat radio station.
Follow SMNI News on Rumble