NANGANGAILANGAN ngayon ang bansang Canada at Japan ng skilled workers gaya ng welders at nurses ayon sa Department of Migrant Workers (DMW).
Sa Nova Scotia, Canada pa lang ay nangangailangan na ito ng 300 nurses bawat taon.
Sa Japan naman ay kailangan ng mga manggagawang Pinoy para sa sektor ng agrikultura, hospitality, manufacturing, at mga caregiver.
Kaugnay rito ay ipinaalala ng DMW sa lahat ng job seekers na bisitahin ang kanilang website para sa legal at aprubadong job orders upang hindi malinlang.