Carlito Galvez Jr., itinalaga ni PBBM bilang Presidential Peace Adviser

Carlito Galvez Jr., itinalaga ni PBBM bilang Presidential Peace Adviser

ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. si Carlito Galvez, Jr. bilang Presidential Adviser on Peace, Reconciliation, and Unity.

Base ito sa anunsiyo ng Presidential Communications Office (PCO) nitong Lunes.

Bago nito, nagsilbing officer-in-charge si Galvez sa Department of National Defense (DND) at dati na ring pinamunuan ang OPAPRU sa ilalim ng administrasyong Duterte.

Sa inilabas na statement ng Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU) nitong Sabado inihayag ni Galvez na sinabihan siya ni Pangulong Marcos na muli siyang itinalagang presidential peace adviser upang tumulong sa pagsusulong ng prosesong pangkapayapaan lalo na sa Bangsamoro dahil nasa puso aniya ng Pangulo ang adhikaing ito.

Samantala, in-appoint naman si Isidro Purisima bilang senior undersecretary ng OPAPRU.

Bukod dito, naglabas din ang Palasyo ng bagong listahan ng mga opisyal na pupunan ang ilang mahahalagang posisyon sa ilang ahensiya gaya ng Department of Education (DepEd), Department of Environment and Natural Resources (DENR), Department of Labor and Employment (DOLE), Department of Finance (DOF), Bureau of Customs (BOC), Southeast Asian Fisheries Development Center, Philippine Domestic Construction Board, Authority of the Freeport Area of Bataan, at APO Production Unit, Inc. ng PCO.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI NEWS in Twitter