NAKATANGGAP na naman ang Paris Olympics double gold winner na si Carlos Yulo ng panibagong cash incentive.
Ngayon, nagmumula ito kay Manny V. Pangilinan sa pamamagitan ng MVP Sports Foundation.
Nagkakahalaga ang incentive ng P10-M.
Sina Nesthy Petecio at Aira Villegas na pawang nakakuha ng bronze sa Paris Olympics ay nakatanggap din ng karagdagang tig-2 million pesos.
Maliban sa mga atleta ay binigyan din ng P10-M ang coaching staff ni Yulo habang tig-2 million pesos ang para sa team nina Villegas at Petecio.