NANALO ng bronze medal si Filipino gymnast Carlos Yulo mula sa Fig Artistic Gymnastics World Cup.
Sa naturang event na ginanap noong Linggo, February 26, 2023 sa Germany, nagkaroon ng kabuoang 15.166 points si Yulo.
Nanalo sa event si Illia Kovtun ng Ukraine kung saan mayroon itong 15.366 points at pumapangalawa si Matteo Levantesi ng Italy na may 15.266 points.
Samantala, sa March 1-4, 2023 ay sasabak si Yulo sa isa pang event, ang Doha leg ng World Cup.