MAGSISIMULA ngayong araw, October 31 o sa November 1 ang pamamahagi ng cash assistance sa mga bahay na napinsala ng Bagyong Paeng ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Ang pondo para sa cash assistance ay manggagaling sa Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) program ng DSWD ayon kay Sec. Erwin Tulfo.
Batay sa inilabas na report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), humigit kumulang 700 na mga kabahayan ang napinsala ng bagyo.
Sa naturang bilang, mahigit 550 ang partially damaged at mahigit 150 ang totally damaged.