Cash remittance sa bansa, tumaas sa 5.7% –BSP

Cash remittance sa bansa, tumaas sa 5.7% –BSP

IPINAALAM ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na umabot sa 5.7 percent ang itinaas ng cash remittance mula sa overseas Filipinos.

Ito ay umabot sa $2.64 bilyon noong Nobyembre 2022, mas mataas sa $2.50 bilyon sa kaparehong buwan ng taong 2021.

Ayon sa BSP, ang paglago ng cash remittances sa pamamagitan ng mga bangko ay dahil sa paglago rin ng padala na natatanggap mula sa land at sea-based workers.

Mula Enero hanggang Nobyembre 2022, naitala ang $29.38 bilyon na cash remittance, mas mataas sa $28.43 bilyon naman na naitala sa kaparehong panahon noong 2021.

Itinuturong isa sa dahilan sa pagtaas ng remittance sa bansa ay ang noon ay papalapit na Christmas holidays at ang mataas na palitan ng piso kontra dolyar.

 

Follow SMNI News on Twitter