MAGKAKAROON si Miss Universe 2018 Catriona Gray ng isang legacy ball ngayong Nobyembre 22, 2024.
Makaka-benepisyo ng naturang legacy ball ay ang non-government organization (NGO) na Young Focus Philippines.
Sa nalalapit na fundraising event, maaaring mag-enjoy ang guests at donors ng music, fashion at ang kung tawagin ay ‘Sense of Purpose’.
Maliban dito ay may ilang personal fashion pieces rin si Catriona na isasali sa auction para makalikom ng mas maraming pondo.
Taong 2016 nang unang nalaman ni Catriona ang nabanggit na NGO at ito ang nagpukaw sa kaniya na tumulong sa mga kabataan na salat sa buhay.
Follow SMNI News on Rumble