Cavite handa na para sa Bagong Pilipinas Serbisyo Fair

Cavite handa na para sa Bagong Pilipinas Serbisyo Fair

KALIWA’T kanan ngayon ang ginagawang preparasyon sa lalawigan ng Cavite para sa Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF) na gaganapin mula sa Setyembre 27-28.

Ayon sa BPSF secretariat, nasa 65 na ahensiya ng pamahalaan ang makikiisa sa Cavite leg ng pinakamalaking public service program ng gobyerno.

Inaasahan na sa malaking probinsiya ng Cavite ay aabot sa 100,000 katao ang makakabenepisyo dito.

“Ang mga programang ito will range from financial assistance, social services, agricultural, educational, livelihood, mga GOCCS po natin so lahat ng iyong maisip na serbisyo ng gobyerno nandito po sa BPSF.”

“We are also expecting more than almost 1 billion worth of programs and services ang ibibigay natin sa probinsya ng Cavite,” ayon kay Atty. Shawn Cabucion, BPSF Secretariat.

Bukod sa mas malapit at mas mabilis na serbisyo ay asahan din na makakabili ng murang bigas na nasa P29 per kilo ang presyo.

“Dadalhin din ng NIA ang tinatawag natin na BBM rice. libo-libong kilo ng bigas ang ibebenta natin ng 29 pesos per kilo,” dagdag ni Cabucion.

Magsisilbi naman bilang punong abala ng BPSF ang Team Revilla na kilalang lingkod bayan para sa buong lalawigan.

Kabilang dito ay sina Sen. Bong Revilla, Cavite 2nd District Representative Lani Mercado Revilla, Cavite 1st District Representative Jolo Revilla, at Agimat Party-list Representative Bryan Revilla.

“Tuwing bumababa po ang programang ito ay para pong malaking fiesta kasi po ang saya-saya ng lalawigan kung saan po ito bumababa. Mararandaman namin ang init ng pagtanggap ng programa so we expect this kind of environment pagdating ng 27. Kaya ngayon pa lang po ay maligaya ang lalawigan ng Cavite as we await the special moment on Friday,” pahayag ni Congw. Lani Mercado-Revilla.

Paalala naman sa mga dadalo sa Serbisyo Fair na huwag kalimutang mag pre-register sa website na bagongpilipinastayo.com at siguraduhing dala ang requirements para sa mga serbisyong nais i-avail.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble