Cebu City, kinuha si ex-Sen. Drilon, ex-DPWH Sec. para tumulong gawing mala-Singapore ang lungsod

Cebu City, kinuha si ex-Sen. Drilon, ex-DPWH Sec. para tumulong gawing mala-Singapore ang lungsod

KINUHA ni Cebu City Mayor Michael Rama si dating Sen. Franklin M. Drilon at dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Rogelio “Babes” Singson para tumulong sa pagsasakatuparan ng kanyang layunin na gawing mala-Singapore ang Cebu City.

Inaasahan ang dalawa na tutulong na mabawi ang easement zones gaya ng pitong major rivers sa lungsod.

Tutulong din ang mga ito sa flood control projects ng Cebu City.

Samantala, nauna nang itinalaga ni Rama si dating Philippine National Police chief Gen. Debold Sinas bilang peace and order adviser.

Maging si ex-DENR Sec. Roy Cimatu para maging katuwang ni Rama hinggil sa pagpapaganda ng kapaligiran.

 

 

Follow SMNI News on Twitter