PUMAYAG si Cebu City Mayor Michael Rama na pansamantalang ipagpaliban na gawing non-obligatory ang pagsusuot ng face mask sa lungsod.
Ito ang inihayag ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos.
Ayon kay Abalos, nakipag-usap siya kay Mayor Rama upang ipagpaliban ang pagpatutupad ng Executive Order 5 kung saan nangako rin ang DILG chief na dadalhin ang usapin sa Inter-Agency Task Force (IATF) para sa deliberasyon.
Hiniling din ni Abalos sa ibang local government units na ipagpaliban ang mga polisiya na nag-aalis sa mandatory na pagsusuot ng face mask sa kanilang mga lugar para sa diwa ng pagkakaisa.
Una nang sinabi ng mga lungsod ng Lapu-Lapu at Mandaue na bukas sila na gawing opsyonal na lamang ang pagsusuot ng face mask sa mga outdoor area.