Cebu City, planong alisin na ang mandatory face mask rule

Cebu City, planong alisin na ang mandatory face mask rule

IKINOKONSIDERA na ng Cebu City na luwagan ang face mask restrictions sa lungsod.

Sinabi ni Cebu City Mayor Michael Rama na plano na kanyang lalagdaan ang executive order na nag-aalis sa mandatory face mask policy laban sa COVID-19 sa lungsod.

Ayon kay Rama, isinasapinal na ngayon ng kanyang staff ang mga detalye ng EO.

Tumanggi naman ang alkalde na magbigay ng iba pang detalye ukol sa nilalaman ng executive order.

Matatandaang una nang iginiit ng Department of Health (DOH) ang kahalagahan ng pagsunod sa minimum public health standards gaya ng pagsusuot ng face mask upang makaiwas sa infections sa kabila ng pagkakadetect ng mga bagong subvariants.

Follow SMNI NEWS in Twitter