Cebu Gov.-elect Pamela Baricuatro idineklara ang Cebu na bukas sa pandaigdigang negosyo

Cebu Gov.-elect Pamela Baricuatro idineklara ang Cebu na bukas sa pandaigdigang negosyo

IDINEKLARA ni Governor-elect Pamela Baricuatro na ang probinsiya ng Cebu ay bukas sa pandaigdigang negosyo.

Sinabi ito ni Baricuatro sa harapan ng mga negosyante ng Cebu sa pagbubukas ng Cebu Business Month (CBM) 2025 nitong nakaraang Biyernes, Mayo 30, 2025 sa isang mall ng Cebu na inorganisa ng Cebu Chamber of Commerce and Industry (CCCI).

Sa harap ng mga negosyante, mamumuhunan, at lider ng komunidad, kinilala ni Baricuatro ang patuloy na pagsisikap ng CCCI, na sa loob ng 29 na taon ay ginawang “Economic Revolution” ang CBM. Ngunit kasabay nito, kaniyang inilahad ang hamon: ang pagbaba ng ekonomiya ng Cebu.

Ayon sa datos mula sa DepDev 7 (dating NEDA 7), halos kalahati na lamang ng pambansang average ang GDP growth ng Cebu. Aniya mas kaunting trabaho, mas mababang sahod at hirap ang maraming pamilyang Cebuano.

Ibinahagi ni Baricuatro ang kaniyang tatlong pangunahing pangako para sa sektor ng negosyo sa kaniyang panunungkulan: Una ang Ease of Doing Business, Pangalawa ang Re-establishment ng Cebu’s Investment and Promotion Advisory Council at Pangatlo ang No Sop. No Corruption. No Excuses.

Samantala, sinuportahan naman ng Business community ng Cebu ang mga plano ni Baricuatro gaya ng CCCI.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble