NAKUHA ng Cebu Pacific ang halos kalahating porsiyento o 57% share noong 2022 sa muling pagtaas ng demand sa paglalakbay sa himpapawid sa kabila ng banta ng COVID pandemic.
Umabot sa kabuoang 14.8 milyon pasahero pabalik sa Pilipinas at papunta sa ibang bansa o nasa 335% sa annual basis nito.
Panakamataas ang holidays season na umabot sa 6% ang volume noong huling 3 buwan ng 2022.
Umabot sa 13.5 milyon ang domestic passengers sa parehong kapasidad at passenger traffic.
Umaasa ngayon ang Cebu Pacific na tuluyang makabangon muli sa 100% na pre-COVID network at kapasidad ngayong buwan ng Marso 2023.