Kalahating milyong pisong halaga ng droga, nakumpiska sa Olongapo City

Kalahating milyong pisong halaga ng droga, nakumpiska sa Olongapo City

NASAMSAM ng pulisya ang 500,000 pisong halaga ng iligal na droga sa operasyon sa Olongapo City.

Ayon kay PRO 3 Regional Director Police Brigadier General Jose Hidalgo, nahuli sa nasabing operasyon ang 4 na suspek na kinilala na sina John Manlangit, alyas Bot; Jonathan Pacaco; Arnold Ponciano; at Jayson Villagracia.

Kabuoang 71.1 gramo ng hinihinalang shabu ang nakumpiska ng pulisya.

Mahaharap ang mga suspek sa paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

Iginiit ni Brigadier General Hidalgo na mas marami pang operasyon ang ilulunsad sa mga susunod na araw sa Central Luzon dahil sa pinaigting na giyera kontra iligal na droga.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter