Center para sa mga naabusong kasambahay, isusulong ng Kasambahay Party-list

Center para sa mga naabusong kasambahay, isusulong ng Kasambahay Party-list

ASAHAN na magkakaroon ng masisilungan ang mga kasambahay sa panahon ng kanilang kagipitan.

Ito ang pangako ng Kasambahay Party-list sakaling palarin silang maihalal sa Kamara sa darating na 2025 midterm elections.

Ayon sa kanilang partylist nominee na si Butch Jayson Tormis ang gagawing center ay magsisilbing pansamatalanag silungan o takbuhan ng mga naabusong kasambahay.

“‘Yung mga kasambahay na galing Mindanao na lumuwas ng Maynila para mag trabaho. Inabutan ng isang linggo, isang buwan. Hindi na safe minamaltrato. Ang problema jan is saan siya pupunta saan siya kukuha ng pamasahe. Isa po ‘yan,” ayon kay Butch Jayson Tormis, Kasambahay Partylist.

Dagdag pa ni Tormis na target nila na magkaroon ng center o bahay silungan sa bawat rehiyon sa bansa upang mapabilis ang pagtulong sa mga kasambahay na nangangailangan ng tulong.

Maari aniyang dumulog sa naturang centers ang mga naabuso ng kanilang amo at maging ang mga biktima ng human trafficking.

Dagdag pa niya na magkakaroon din ng abugado ang nasabing center para sa legal assistance ng mga kasambahay na nagpapasaklolo.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble