Bagong Emergency Operations Center at Mobile Energy System, magpapahusay ng disaster at cyberattack response ng DOE

Bagong Emergency Operations Center at Mobile Energy System, magpapahusay ng disaster at cyberattack response ng DOE

ISINAGAWA ng Department of Energy (DOE) ang ceremonial launching ng Energy Sector Emergency Operations Center (ESEOC) at ang symbolic turnover ng isang miniature Mobile Energy System (MES).

Ginanap ang naturang event sa Energy Center sa Taguig City nitong Lunes, Abril 15, 2024 sa pangunguna nina DOE Sec. Raphael Lotilla at ES Lucas Bersamin.

Pinangunahan ni Bersamin ang paghahatid ng mensahe ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. matapos kanselahin nito ang pagdalo sa event dahil umano sa urgent matters.

Ang dalawang bagong hakbangin na ito ay idinisenyo upang tugunan ang pangangailangan para sa matatag ng energy infrastructure at ang kakayahan sa pagtugon sa krisis.

Ang ESEOC ay isang sentralisadong energy command hub na nilagyan ng mga pinakabagong teknolohikal na inobasyon mula sa Europa at Eatados Unidos.

Ito ay nakaposisyon upang i-monitor, i-assess, at i-coordinate ang mga pagtugon sa iba’t ibang energy-related emergencies. Kabilang ang natural disasters, grid failurês, at mga banta sa cyber security.

Samantala, ang Mobile Energy System naman, ay isang fleet ng mga adaptable at scalable na solusyon sa enerhiya na idinisenyo para sa mabilis na pag-deploy sa mga emerhensiya.

Ang mga modular system na ito ay pinagsama ang renewable energy sources, energy storage, at microgrid technologies.

Nilalayon nitong makapagbigay ng maaasahang power generation at distribution sa mga malalayong lugar o nasalanta ng kalamidad.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter