NATAGPUAN na noong Huwebes ang Cessna 206 plane matapos ang 44 na araw na pahirapang paghahanap sa masukal na bundok ng Sierra Madre.
Sa isinagawang press briefing, kinumpirma ni Atty. Constante Foronda-Head, Incident Management Team na lahat ng sakay kabilang na ang piloto ay nasawi.
Natagpuan sa Brgy. Ditarum sa bayan ng Divilacan, Isabela.
“The wreckage of the Cessna plane that we have been looking for, for the past 44 days, sadly there were no survivors. We delayed this briefing until all the relatives of the passengers and the pilot have been informed,” pahayag ni Atty. Foronda.
Base sa paglalarawan ni Engr. Ezekiel Chavez, head ng Divilacan Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC), watak-watak na ang parte ng eroplano at iba pang kagamitan maging ang mga damit ng mga pasahero ay nakasabit sa puno.
“Sir bale yung latest information kanina, yung unang tawag nila, kung pano nila nakita. Unang nakita nila is yung bangko ng eroplano and then watak-watak daw po yung parts. Kasi pati damit po is nakasabit po sa mga puno. Yun po yung sinabi nila,” ani Chavez.
Ayon pay kay Chavez, posibleng aabutan pa ng 3 araw bago maibaba ang labi na sakay ng naturang eroplano na dadalhin sa Cauayan City.
“Sir ang latest information po, identified na yung iba, na-identify po yung katawan. Kaya lang may isang body ata na nahiwalay yung isang ulo,” dagdag ni Engr. Chavez.
Samantala, ayon kay Atty. Foronda, ang wreckage ng eroplano ay kailangang i-secure para sa pending investigation na gagawin ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).
Matatadaan na una nang naiulat, na nawawala ang naturang eroplano noong Enero 24 na umalis mula Cauayan City Airport patungong Maconacon Isabela subalit hindi ito nakarating sa kanilang destinasyon.