Cha-cha, pag-usapan nang mabuti ng Kamara at Senado—Rep. Barzaga

Cha-cha, pag-usapan nang mabuti ng Kamara at Senado—Rep. Barzaga

DAPAT maayos na pag-usapan ng Kamara at Senado ang isyu ng pag-amyenda sa 1987 Constitution.

Ayon kay Cavite Rep. Elpidio Barzaga, Jr. na dapat kilalanin ng dalawang kapulungan ang ‘parliamentary courtesy’ at hindi magpapalitan ng pahayag sa publiko.

Ang nangyayari ani Barzaga, nagkakaroon na ng ‘word war’ sa pagitan ni House Speaker Martin Romualdez, House Committee on Constitutional Amendments Chairman Rufus Rodriguez at Senate President Miguel Zubiri hinggil sa Charter change.

Ngayong araw, March 20, 2023 ay didinggin ng Senado ang House Resolution No.6 at House Bill No. 7352 (Constitutional Convention Act).

Sa kabilang banda, sinabi ni Romualdez na ipinangako ni Zubiri na magiging bukas na ito sa Charter change.

Aantayin na anila ng Senado, ang ulat ng Committee on Constitutional Amendments and Revision of Codes na pinangungunahan ni Senator Robinhood Padilla hinggil dito.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter