Isyu ng human rights, matagal nang estratehiya ng makakaliwa—Enrile

Isyu ng human rights, matagal nang estratehiya ng makakaliwa—Enrile

INIHAYAG ni Chief Presidential Legal Counsel Secretary Juan Ponce Enrile na ang kahinaan ng demokrasya ng bansa ay ginagamit ng makakaliwa para isulong ang kanilang ideolohiya.

Ito ay ayon sa kaniyang programa sa SMNI News.

Binanggit din ni Enrile ang iba pang estratehiya ng teroristang komunistang CPP-NPA-NDF na kinuha lang din mula sa libro partikular sa Russian communist leader na si Vladimir Lenin.

Dagdag pa ni Enrile, kasama rin dito ang isyu ng human rights na matagal nang estratehiya ng makakaliwa.

Matatandaan na patuloy ang pagsusulong sa House Bill 77 (Human Rights Defenders’ Bill).

Ayon sa NTF-ELCAC ay magpapawalang bisa ito sa kapangyarihan ng Anti-Terrorism Law, Anti-Money Laundering Law, Terrorism Financing Prevention and Suppression Act at iba pa.

Sa ilalim ng House Bill 77 na isinusulong ng ilang makakaliwang mambabatas ay sinuportahan ng mga grupong iniuugnay sa CPP-NPA-NDF na mabibigyan ng proteksiyon ang mga tinaguriang ‘reds’, communists, terrorists, o ang mga kalaban ng gobyerno mula sa tinawag na ‘intimidation’ at ‘reprisal’ umano ng pamahalaan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter