Chair Garcia, hiniling sa Kongreso na suportahan ang kanilang hiling na budget para sa pagpatatayo ng bagong COMELEC building

Chair Garcia, hiniling sa Kongreso na suportahan ang kanilang hiling na budget para sa pagpatatayo ng bagong COMELEC building

HARAPANG nakiusap si Chairman George Garcia sa mga mambabatas na ibigay ang kanilang hinihiling na budget para sa pagpatatayo ng bagong COMELEC building.

Sa nangyaring pagdinig sa Commission on Appointments (CA) ay sinamantala ni COMELEC chairman George Garcia ang pagkakataon na nakaharap ang mga miyembro ng Senado at Kongreso.

Nakiusap si Chairman Garcia na suportahan ang budget ng kanilang itinatayong COMELEC building na nagkakahalaga ng P8.2 bilyon.

“We are actually leasing P9 million a year… that will cost the government at least P8.2 billion,” pahayag ni Garcia.

Sa parehong pagdinig ipinagmalaki ni Garcia ang nagawa ng COMELEC nitong katatapos lamang na halalan kung saan 35,000 na tangkang pag-hack sa COMELEC server ang kanilang naharang dahil sa kanilang pinalakas na programa kontra hackers.

Muli ring iginiit ni Garcia na handa na sila para sa Barangay at Sangguniang Kabataan election sa darating na halalan.

Sakaling ma-postpone naman ang 2022 elections sa 2023 buwan ng Mayo ay tiniyak ni Garcia na hindi masasayang ang kanilang mga biniling ink, ballpen, at balota dahil magagamit pa rin ito.

Walang pag-alinlangan naman na sinagot ni Garcia ang tanong ni Senador Francis Tolentino kung maaari bang isali sa certificates of candidacy (COC) ang deklarasyon o paglalahad ng mga kakandidato na wala silang susuportahang grupo na magsusulong sa pagpapatalsik ng gobyerno.

“Can it be possible for the last enumeration can be placed for the candidate to declare that I will not support any organization that advocates violence or unlawful means to overthrow the government of the Republic of the Philippines?” tanong ni Tolentino.

“We will include that your honor that’s what the law provides,” tugon ni Garcia.

Matapos aprubahan ng CA ang nominasyon ni Garcia ay inaasahan na hanggang sa 2029 pa matatapos ang kanyang termino bilang COMELEC chairman.

Follow SMNI News on Twitter