KINUMPIRMA ng Airport Police Department na arestado ang 2 katao matapos makitaan ng kalibre 45 ng baril habang papasok ang mga ito sa NAIA Terminal 4.
Nakilala ang dalawa na si Johnas Bitoonan Aparece – 36 yrs old nakatira sa Jasmin St. Batasan Quezon City, bodyguard at ang driver na nakilala si Romeo Reyes Eniego, Jr. nasa hustong gulang ng Quezon City.
Pakay ng dalawa na sunduin ang kanilang amo na opisyal ng Philippine Maritime Industry na si Atty. Justiniano Panambo, Jr.
Pagpasok ng dalawa sa NAIA Terminal 4 sa harap ng front passengers side at doon nakita ng airport security ang baril ng dalawa na agad na hiningi ng guwardiya ang permit to carry sa nasabing baril ngunit wala umanong maipakita kaya agad na inaresto ang mga ito.
Sa ngayon nakakulong ang dalawa sa Airport Police Headquarters habang inihahanda ang kaso laban sa driver at bodyguard ni Atty. Panambo.