Chairman na nanuntok ng MMDA employee, sumailalim sa inquest proceedings ngayong araw

Chairman na nanuntok ng MMDA employee, sumailalim sa inquest proceedings ngayong araw

SUMALANG na ngayong araw sa inquest proceedings si Barangay 51 Chairman Romel Bravo.

Ito ay matapos manuntok ng tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa clearing operations sa Dagupan Street, Tondo, Maynila.

Ayon kay MMDA Task Force Special Operations and Anti-Colorum Unit Head Bong Nebrija, naireport na niya ang insidente sa Department of Interior and Local Government (DILG).

Si Bravo ay nahaharap sa kasong “direct assault.”

Nag-ugat ang reklamo matapos umanong magalit ang chairman sa pagtanggal sa vendo carwash na nasa tabi ng barangay hall na nasa bangketa na pagmamay-ari nito.

 

Follow SMNI News on Twitter