Change of command sa bagong Army chief, pangungunahan ni PBBM

Change of command sa bagong Army chief, pangungunahan ni PBBM

PANGUNGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang change of command para sa bagong commanding general ng Philippine Army na si Lt. Gen. Roy. M. Galido.

Magsisilbing ika-66 na commander ng Philippine Army si Lt. General Galido.

Nagtapos si Galido sa Philippine Military Academy “Bigkis Lahi” Class of 1990 at bago italaga bilang Army chief, hinawakan nito ang ilang matataas na posisyon sa militar kabilang dito ang pagiging commander ng 6th Infantry Division at Western Mindanao Command ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Naging bahagi rin ang heneral sa matagumpay nilang mga operasyon at laban sa mga tropa ng kalaban ng pamahalaan partikular sa rehiyon ng Mindanao, bunga ng hindi matatawarang kasanayan at kakayanan ng liderato nito.

Sasaksihan ang seremonya ng ilang matataas na opisyal ng pamahalaan kasama sina Executive Secretary Lucas Bersamin, Defense Secretary Gilbert Teodoro, at AFP Chief of Staff Romeo Brawner, Jr.

Nauna nang naniniwala ang pamunuan ng Department of National Defense na maisusulong ni Galido ang strategic path na itinakda ni Pangulong Marcos para magkaroon ng katatagan sa gitna ng pabago-bagong security landscape ng bansa.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble