Charlene Gonzales, emosyonal nang matapos ang 26 milyang Boston Marathon 2023

Charlene Gonzales, emosyonal nang matapos ang 26 milyang Boston Marathon 2023

EMOSYONAL ang dating beauty queen na si Charlene Gonzales dahil natapos nito ang 26 milyang Boston Marathon 2023 sa Massachusetts, USA.

Sa kaniyang social media post ay ibinahagi ng former beauty queen ang kaniyang karanasan at maging ang larawan ng medalya na kaniyang napanalunan.

Kuwento pa ni Charlene, hindi naging madali ang pagtakbo niya dahil mayroon siyang injury at nagkaproblema siya sa nutrition at hydration.

Laking pasasalamat naman ng actress dahil nawala rin ang kaniyang dinaramdam sa kasagsagan ng marathon kaya hindi niya mapigilang maging emosyonal sa kalagitnaan dito.

Todo-suporta naman ang asawa nitong si Aga Muhlach at ilang kilalang personalidad sa tagumpay ng beauty queen-actress sa nasabing marathon.

Kilalang athletic si Charlene at hindi ito ang first time na tumakbo siya sa isang international marathon.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter