DSWD, pahuhusayin pa ang disaster preparedness and response ng gobyerno

DSWD, pahuhusayin pa ang disaster preparedness and response ng gobyerno

TINIYAK ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian na mapahusay pa ng ahensiya ang disaster preparedness and response ng pamahalaan.

Ang pahayag na ito ng kalihim ay kasunod sa naging pagpupulong nito sa Office of the Civil Defense.

Iprinisinta ni Gatchalian ang framework na naglalayong makabuo ng supply chain mechanisms para sa disaster relief efforts at prepositioning ng mga relief supplies.

Sa ilalim nito, magkatuwang ang iba’t ibang sangay ng pamahalaan at ang private sector sa paggamit ng mga rekurso sa pagharap sa food security at social protection sa panahon ng pananalasa ng kalamidad.

Pagtitiyak pa ni Sec. Gatchalian na ipagpapatuloy ng ahensiya ang mga pagsisikap na mapataas ang kapasidad ng ahensiya sa disaster preparedness and response.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter