Charo Santos, itinanghal na best actress sa 5th EDDYS Awards

Charo Santos, itinanghal na best actress sa 5th EDDYS Awards

ITINANGHAL bilang Best Actress si Filipino media executive at actress Charo Santos sa 5th Entertainment Editor’s Choice o EDDYS ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEED).

Nagwagi si Santos para sa pelikulang “Kun Maupay It Panahon” na matagumpay na idinaos sa Gabi ng Parangal sa Metropolitan Theater.

Kabilang sa nabigyan ng parangal sa nasabing kaganapan ay si Filipino actor Christian Bables kung saan nanalo siya bilang Best Actor.

Samantala naging highlight din ng aktibidad ang pagbibigay ng 5th EDDYS sa ilang movie icons tulad nina Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon, Sharon Cuneta, at Alma Moreno.

 

Follow SMNI News on Twitter